Sa lahat ng mga lalakeng “minahal” ko at eventually dinurog din ang puso ko, nais kong magpasalamat sa inyo. Marami akong na-achieve sa buhay thanks to you. Kaya salamat sa inyong contribution sa ilang chapter ng buhay ko. Truth be told, hindi naman sila ganun kadami — tatlo lang. Iisa-isahin ko sila.
#1
Kung hindi mo ako binasted noon sa helipad ng ABS-CBN pagkatapos kong magtapat sa’yong gusto kita, hindi sana ako natutong mag-drive. Ikaw kasi ang naging driving force ko para mag-aral magmaneho sa kalagitnaan ng Christmas break para lang mabura sa alaala ko ang kagagahan (at kahihiyan) na ginawa ko. Pero no regrets. Facebook friend naman kita ngayon. And for the record, ayoko na sa’yo.
#2
Ikaw talaga… Smiley face. If it wasn’t for you, hindi sana ako nagka-first time at nagka-boyfriend. Na-devirginize ako nang di oras bago ang aking 25th birthday nang dahil sa’yo. Gustuhin ko man sanang ikaw ‘yung nakatikim sakin (and likewise, sana na-try din kita), pero hindi eh. Binasted mo ako noong unang araw ng Holy Week (kung tutuusin, sino ba kasi ang nagtatapat ng pag-ibig sa gitna ng Kuwaresma?) Pero ibang klase ka rin mambasted (parang may mali talaga – bast? Bust?). Ayaw mo na akong kausapin. Feeling mo niloko kita. Na kinaibigan lang kita dahil gusto kita. At marami pang achuchuchu. Kinailangan ko tuloy magpunta sa bahay ng isang special friend para meron akong the proverbial shoulder to cry on. To cut the long short, it was a long night. Insert smiley face ulit.
#3
Walang binatbat silang mga nauna sa’yo. Kasi ikaw ang masuwerteng nagawaran ng “First Boyfriend” sash. Una sa lahat. First kiss, first experience, too many and too embarrassing to mention (na sa edad na 25 ngayon ko palang naranasan ang mga bagay na ‘to). Pero ika nga ni Nelly Furtado, all good things come to an end at dumating na nga. Pinagdaanan ko ang the usual stages – denial, anger, anger, ANGER, forgiveness, relapse. Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Pero ito lang ang sigurado ako, nang dahil sa hiwalayan natin, marami akong nagawa at marami pa akong gustong gawin sa buhay. Dahil sa ating napaka-timely na separation at age 29, natauhan talaga ako na magtetreinta na ako. Major wake up call. Parang may tumulak sakin para malaglag sa kama. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko sana na-experience kung paano maging kalbo (na ayoko nang ulitin, btw). Wala sana akong tattoo (na ayaw mo, belat). Hindi ko sana naranasan pumunta sa isang lugar na ako lang mag-isa. Hindi sana ako nakapasok sa mala-serbis na sinehan. Hindi sana ako nakapunta sa Baguio sa kalagitnaan ng isang bagyo para lang mag-mountain climbing. Hindi sana ako nag-audition para sa commercial. Hindi sana ako sumali ng adam4adam at Planet Romeo. Wala sana akong picture na naka-hubo’t hubad sa beach. Hindi sana ako nakapag-donate ng dugo. Wala sana akong Facebook account. Hindi sana ako nakahawak at nakapagpaputok ng tunay na baril (sa tingin mo, ini-imagine ko bang ulo mo ‘yung target?). Hindi ko sana na-try ang magpaahit ng bulbol (first and last time). Wala sana ‘tong blog na ‘to. Ikaw naman talaga ang reason kung bakit ko nagawa ang mga bagay na ‘yun. Pero hindi naman sa ginawa ko ang mga ‘to para lang sa’yo. I don’t intend to win you over (hello, lalo na ‘yung tattoo na hate na hate mo). I was doing them for myself. Gusto kong patunayan na life goes on kahit wala ka. Gusto kong patunayang I’m better than you. Na hindi ako papatol sa mga 23 years old (pero it’s too early to tell) para pang-ego boost. Na hindi ako maghahanap ng kapalit mo (seriously, gusto kong maging single muna) ‘di tulad ng ginagawa mo (kalimutan mo na siya kung hindi na siya nagpaparamdam plus mukha siyang kenkoy). Aaminin ko na noong simula ng aking project, iba ang motivation ko. Puno ng galit ang puso ko. Kaya din siguro nagka-letse letse ‘yung iba (nabasa ang cell phone at camera ko sa Iloilo, binagyo sa Baguio, nilalagnat sa Bali). I guess nowadays, things are different. Friends na uli tayo. In-add kita sa FB. You followed me sa Twitter. But you blocked me on Grindr. We go out and do things together like the good old days. Pero hindi tayo. Hindi ko alam ang mga kalokohan mo. Same with mine. Para na tayong may open relationship, isang bagay na hindi ko talaga pinaniniwalaan pero voila, I’m here. Malinaw naman sa akin na hangga’t maaari, ayaw na kitang maging boyfriend. Hindi dahil sa galit pa rin ako sa’yo. Now that we are friends, I can truly say na I am not ready to be anyone’s partner especially yours. May mga bagay pa akong gustong gawin mag-isa. I actually feel excited to be 30. I want to start something. I want to experience new things. Gusto kong bumilis ang tibok ng puso ko at pagpawisan ang kili-kili sa kaba at excitement sa bagay na gagawin ko. I want to be a better person. At ang lahat ng ito’y nang dahil sa’yo.
Maraming salamat, E.