Mga Tagaturo
Mga resource at tip mula sa mga eksperto at pinagkakatiwalaang organization para tumulong na suportahan ang mga estudyante sa paggamit ng teknolohiya sa ligtas, responsable at positibong paraan.
Overview
Bilang isang tagaturo, mahalaga ang iyong papel sa pagtulong sa mga estudyante na magkaroon ng mga kasanayan at kaalamang kailangan nila para umunlad sa digital na mundo. Sa Meta, nauunawaan naming walang isang pamamaraan na naaayon para sa lahat. Kinolekta namin ang mga libreng resource sa kaalaman sa teknolohiya para tulungan kang gabayan ang iyong mga estudyante sa pagiging mga mahusay at responsableng digital citizen. Dagdag dito, ikinokonekta ka namin sa impormasyon at mga resource na sinusuportahan ng mga eksperto tungkol sa mga paksa gaya ng pambu-bully, pag-iwas sa pagpapakamatay at pagbabahagi ng litrato nang walang pahintulot, na partikular na binuo para sa mga educator.
Pagiging digital citizen at mga haligi sa kapakanan
Para tulungan ang iyong mga estudyante na matutunan ang mga pangunahing kasanayan sa pagiging digital citizen at sa kapakanan, gumawa kami ng mga handang gamitin na aralin, video at resource para sa bawat isa ng aming limang haligi sa content:
Gamitin ang mga resource sa Maging Digital.
Ang Maging Digital ay ang pangunahing programa ng Meta sa pagiging digital citizen at sa kapakanan. Naglalaman ito ng mga plano sa aralin para sa bawat isa sa aming limang haligi. Mayroon ding mga resource para sa mga estudyante at magulang na mababahagi mo sa para sa pag-aaral sa bahay.
I-access ang mga resource sa My Digital World.
Idinisenyo ang mga naa-access na module sa pag-aaral na ito para sa mga tagaturo sa mga rehiyon ng sub-Saharan Africa at MENA (Middle East at North Africa). Maibibigay ang programa bilang buong curriculum o mga hiwalay na aralin, sa mga high-tech at low-tech na kapaligiran.
Bisitahin ang mga resource sa We Think Digital.
Hina-highlight ng programang ito ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip, empatya at magalang na digital na discourse. Tumulong ang mga nasa akademya, NGO, eksperto at civil socity organization sa rehiyon ng APAC (Asia-Pacific) para gawin ang mga naka-localize na resource. Kasama sa mga paksa ang privacy, kaligtasan, seguridad at pag-iiwan ng positibong digital na footprint.
I-explore ang mga resource ng Soy Digital.
Pino-promote ng Soy Digital ang pagiging digital citizen sa Latin America at sa Caribbean. Nagbibigay ang programa ng mga material na idinisenyo kasama ang mga lokal na partner at inayon sa mga partikular na pangangailangan ng mga nag-aaral sa rehiyong ito. Ang mga resource ay self-paced at pwedeng gamitin sa isang plug-and-play na paraan.
Pagpigil sa pambu-bully
Pagtulong sa mga estudyanteng nasa panganib
Tungkol sa sextortion para sa mga tagaturo
Pagpigil sa pambu-bully
Bilang guro, naiintindihan mo ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran kung saan maaaring umunlad ang iyong mga estudyante. I-explore ang mga resource at tip ng eksperto para sa mga educator, magulang at teenager sa hub sa pagpigil sa pambu-bully.
Mga resource sa pagpigil sa pambu-bully
Pagtulong sa mga estudyanteng nasa panganib
Ang pagpapakamatay ay ang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa mga bata sa buong mundo. Mag-explore ng impormasyon at mga resource ng eksperto na ginawa para sa mga educator sa paksang ito.
Mga resource sa pag-iwas sa suicide
Tungkol sa sextortion para sa mga tagaturo
May mahalaga kang papel sa mga buhay ng mga estudyante. Habang may lumilitaw na mga bagong banta, mahalagang manatiling may nalalaman sa mga trend. Narito ang ilang bagay na magagawa mo para tulungan ang mga estudyante na iwasang pumasok sa mga sitwasyong tulad ng sextortion.
Ang iyong mga susunod na hakbang: Alamin pa at pag-usapan ito.
Mga resource tungkol sa sextortion para sa mga tagaturo