Musta by SoMi
published on
A visitor knocks,
Intrusive as a thought, at
The door of my mind.
LYRICS
Musta aking bisita
Na hindi ko inasahang kakatok sa 'king pintuan
Musta aking bisita
Na walang pag-alinlangang pumasok saking tahanan
Ano Ba ang 'yong pakay rito?
Ano ba ang 'yong makukuha rito?
Sa bawat oras na lumilipas
Balita ay patuloy na lumilipad
Kung saan-saan na 'to napapadpad
Kung sinu-sino na lang nangingialam
Nangingialam ngunit walang pakialam
Musta mga bisita
Na sinakop ang isipan, pinuno ng kapuotan
Musta mga bisita
Dibdib ko'y pinagsisiksikan halos hindi na ko mahinga
Ano ba ang 'yong balak rito?
Ano pa ba ang inyong makukuha rito?
Pagkat ako'y ubos
Sa bawat oras na lumilipas
Balita ay patuloy na lumilipad
Kung saan-saan na 'to napapadpad
Kung sinu-sino na lang nangingialam
Nangingialam ngunit walang paki-alam
Sa bawat oras na lumilipas
Hinahangad ng sarili na makalipad
Kung saan-saan na ko napapadpad
Wala pa ring sinuman merong pakialam
Nangingialam ngunit walang pakialam