Mga Larong Golf
Nag-aalok ang aming mga laro sa golf ng maraming oras ng 9- at 18-hole na kasiyahan. Puwede kang pumili mula sa maraming course, na nag-aalok ng mga makatotohanang hole at exciting na challenge. Iwasan ang malalalim na sand trap, lumayo sa mga water hazard, at subukang ipasok ang huling putt sa pinakakaunting stroke na posible! Susubukin ng aming koleksyon ang bawat aspeto ng iyong galing, mula sa long drive hanggang sa mga chip at putt. Sanayin ang iyong backswing, i-perfect ang iyong aim, at pumalo ng bola na parang si Tiger Woods! Laruin ang anumang uri ng golf challenge, kabilang ang match play, stroke play, at skins.
Kasama rin sa aming mga laro sa golf ang mga kakaiba at arcade na challenge, tulad ng mga level sa kalawakan at may nag-iibang gravity. Sa ilang challenge, puwede kang maglaro sa mga course na may temang Mario at iba pang magical na lupain. Magsanay ng mga partikular na skill tulad ng pag-drive at pag-putt sa mga espesyal na laro, at subukang magtala ng mga bagong record! Maglaro pa ng mga larong nagbabago ng physics, na laging nagbabago at nagpapanatili sa iyong pagiging alerto. Para sa isang mabilis na challenge, subukan ang isa sa aming mga mini-golf challenge, na nag-aalok ng iba't ibang uri ng putt-putt course. Kunin na ang iyong bag at subukan ang aming mga course ngayon!