|
STANZA 1
Damdamin nga ba
ang magdidikta
ng kislap sa iyong mata-
Ikatutuwa mo ba?
"Isip ang nararapat
na nangingibabaw!”
Laking gulat ko na
puso’y ipinalit sa utak nila!
STANZA 2
Bumagyo’t umaraw,
Gabi pa’y kaagaw
Sa walang sawang
kabobohang nakakasilaw
Pag-ibig ay dagat,
‘Bakit di ka mag-iingat?!
“Lamunin sana ng alon
Ang mga kagaya mo-” (mga naniniwala sa pag ibig)
PRECHORUS
“Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit!”
“Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit!”
“Bato-bato sa langit oh- saksakan ka ng pangit!”
“Bato-bato sa langit- ‘wag mo nga ‘kong ginagalit!”
CHORUS 1
Bobo nga ang tamang ipangalan sayo!
‘Wag niyo akong idamay sa kalokohang adik na adik kayo!
Patas lang na iwanan niyo ako,
Maliit na presyong kapalit ng kapayapaan sa isip ko
Putang ina mo Kupido, (wa-walang hiya ka!)
tigil-tigilan mo nga ako! (alam mo bang-)
Kung isang batas ang umibig,
ikulong nyo na lang ako
Marangya mo akong preso! (Bakit ka ganyan)
Kung pag-ibig lang ang sagot, (parang ‘di naman!)
Patayin nyo na lang ako! (sana huwag naman-)
Sagabal sa pagtulog
ang pag-sinta mo.
Oh~
STANZA 3
Nakakasanayan na ng mga labi ko
Ang halik mo sa umagang
Pinaikot ng tuluyan ang isipan ko
Pa-pa-ra-pa-
“Para ‘kong tanga,
‘Bat di ko mapigilang
Bumalik sa nakaraan?”
BRIDGE
Isang malaking palaisipan ang mga yakap mo (Maghihintay ba ako?)
Kalkulado, pati nakaw na tingin mo
Oh~
Hanggang sa'king panaginip
Iyong himig, naririnig..
FINAL CHORUS
Bobo nga ang tamang ipangalan sayo!
‘Wag niyo akong idamay sa kalokohang adik na adik kayo
Patas lang na iwanan niyo ako,
Maliit na presyong kapalit ng kapayapaan sa isip ko
Putang ina mo Kupido, (bakit nanaman?)
mapapatawad mo pa ba ako? (oo naman-)
Kung mauuwi lang sa away,
ipakulong nyo na lang ako
Pag-ibig mo’y isang misteryo~ (Tama na nga~)
Kung pag-ibig lamang ang tanging sagot,
mas mabuti pang patayin nyo na lang ako-
Giliw ko,
Pagpahingahin mo naman ako
Isip ko’y litong-lito~
O, matulog ka na
Aking sinta.
|