[go: up one dir, main page]

6 Oct 2009

Launching MYDIGIHOME

Death Note Gif Pictures, Images and PhotosToday, I am officially launching MyDigihome domain which I bought few weeks ago. Im planning to use it as my official site for meme and ramblings. So hopefully you can also add me your site. Please do.. I will not totally abandon this account. I will still visit this but expect only tagalog posts on this blogspot account.

 

Come and visit my new home.. my new life away from home.. my digihome..

 

To all friends that will add me, drop me a message and I will gladly add you there. See ya!

28 Sept 2009

Pananalasa ni Bagyong Ondoy

Ondoy's Trail of Fury from Glenn Omanio on Vimeo.

 

Typhoon Ondoy left lots of filipino’s homeless. Some of them died..  I know others might say that this is the fruit of all the corruption and other government issues under Arroyo’s government but hey guys, this is no time for blaming each other.. The best we can do is help one another in any way we can. From a simple prayer to donations. I can’t help myself but cry when I watched this video. Thanks to Glenn Omanio..

7 Sept 2009

Jamie’s new baby

Oh right, Jamie’s new baby arrived today. Want to know what that is? check it out !

DSC_1267

Jamie with his new baby

 

DSC_1268

Tryin’ to show how thin it is!

DSC_1269

Closer look ….

DSC_1270

Yeah right! Its thinner and has more space capacity than his old one! For your info, the old one will be put in Ebay auction. Its rarely used and he will be including 3 games with it ( Bought last July 2009 in replacement to the PS3 80Gb we sold to Jasper, my brother when we visited Philippines). Oh dear! Hope I can pay this one. By the way this gadget is a newly released Sony PS3 Slim, 120GB Hard Drive. W'e’ll be testing it tonight! Yehey! Hmmm I will decide what game to play but definitely don't want football hehe.. not my game! I might try Resident Evil though..

18 Aug 2009

Adik Ako, Adik Siya…. ADEEEKKK Kaming Lahat!

Gusto kong matawa sa naisip kong title ng post ko. Palibhasa walang letrang umiikot sa kukote ko kundi A-D-I-K. Siempre nman hindi ako adik sa ipinagbabawal na gamot hano.. Kundi adik sa paglalaro. Parang narinig kong sinabi mong :

 

“ Sa tanda mong yan naglalaro ka pa??””

 

Eh kumusta nman si Ate liza? hehe ( Kutos ang aabutin ko dito kay ate liza, maniwala ka.) Hay naku di nga ba’t one week ko nang nilalaro ang hinayupak na FARMTOWN sa facebook. Shocks! Maniwala kayo at sa hindi, nakakaadik talaga. Eto nmang si Peachy, lahat ng Farm in-introduce na yata sa amin. Pambihira.. Nagkabuhol-buhol na ang brain ko sa pagchecheck ng aking mga Farm. Hindi lang yun, di pa nga nakakamumog eh nag-fa-farmtown na ako. Maging si Habibi eh na-diet na kakafarmtown ko. At pagsapit ng gabi hihiling pa akong masahehin ako dahil maghapon akong nagfarm town. Eh bakit nga, kahirap kayang mag-araro, magtanim at maki-ani hehehe.. ( Talagang tunog adik na hano?) Eh kung curious ka kung ano nga ba itong Farmtown na to eh Sign up na at magchismisan tayo sa bukid hihihi…Yan lang ang ginagawa nmin ni ate liza halos araw-araw.. Eh maalala ko pa nga nung isang araw eh un hinarvest naman ng mga anak nia ang kanya mga plastic na tanim gawa ng kaka-farmtown. Eh ako nman kaya ano nman ang effect ? Susme, katatayo pa lang uupo na ako. At pag naglinis ako paspas talaga at baka mabulok ang mga tanim kong ubas, raspberries, pumpkins, melon at kung hano-hano pa. Mainip ka ng bahagya, cge at kulitin mo ang palengke ni Tom kung magkano niya bibilhin ang hinarvest mo at kung me ibang farmer na kelangan ng tulong mo. Tsk!Tsk!Tsk!

 

Minsan nga me nakilala akong pinay na taga-Norway, ang sabi ba nman eh sa harap na raw sia ng PC kumakain at naadik na rin sia. 40+ na kaya ang edad nun nawili rin kalalaro. Eh kumusta nman ang gumawa ng door lock namin ng minsang kumulimlim, hindi naisip kung sia ba eh mababasa ng ulan. Naisip pa ang mga pananim sa Farmtown at jusmio baka raw bagyuhin ang mga ihaharvest nia. Ano ba yan!!!

 

Kaya sa mga katoto kong hindi ko nabibisita eh pagpasensiyahan nio na kami at kelangan Lumevel up ng mga FARMISTA hehe.. Kahit na nga ba itong aming mga kamay eh mukhang nirarayuma na at ang hintutturo eh nagmasel na talaga kaka-click. Sorry talaga. Kung hindi ko man kau madalaw eh , ano kaya kung subukan niong magfarm town? baka sakaling hini lang ako ang maging adik, pati sia at tayong lahat maging adeeeek sa farmtown.. wuhoo!!

 

Ate Issa! Gumawa ka ng bagong account at naku maki-uso na! tara na!

8 Aug 2009

Friendster Error??

friendster

At eto nga nang tumambad sa aking screen ng ako ay mag-check ng Friendster. Hay naku parang gusto ko na nga yatang maniwala kay INSAN na lumipat na lang kami sa Facebook! Jusmio Marimar! Ano ba yan? ang dami pa nmang uploaded pictures doon na sana ay hindi mangawala? Ano kaya ang nangyayari sa Friendster? talaga nga kayang kelangan ng mag-take over ni Facebook o under maintenance lang sila? Naku naman maalala ko lang ha , isa sa mga friendlist ko ang naglagay ng pagkadami-daming pictures dun at pagtapos lahat ng uploaded pictures nia ay biglang nangawala. Sinubukan niyang kontakin ang friendster regarding dun pero hindi na nga naibalik kahit isa. Sa dami ng nai-upload nia noon, eh kinatamaran na niyang ulitin uli. Eh bakit nga, baka nman mapudpod ang daliri nia kauupload dun no. Hay naku sana lang ay maayos na .. Kapag hindi… eh di hindi! hehe

7 Aug 2009

Bulaklak

DSC_0342

DSC_0344

DSC_0340

DSC_0343

 

“Bulaklak…. ang ganda ng bulaklak.. ng mga bulaklak…”

 

Senti mode lol! Wala lang! Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko today. Parang ang lungkot ng buhay …. Hayz… Siguro dumadating lang sa buhay ng tao na minsan makaramdam ng biglaang pagkalungkot. Oh well, gusto ko lang i-cheer ang sarili ko sa pamamagitan ng paggawa ng post bago pa gumulong ang nag-uunahang patak ng luha sa aking pisngi. Siguro naaalala ko lang ang isang problemang naiwan sa Pinas at isang masamang balita mula sa isang kaibigan. ( Siempre wala namang namatay noh!) Medyo masyado lang kumplikado kung aking hihimayin ang istorya.

 

Anyway, kwento ko na lang kung paanong nagkaroon ako ng mga pictures na ito. I actually took these pictures while we’re in Bora. Hmmm… masyadong na-amaze lang ako kung paano magiging maganda ang kuha sa mga bansot na rosas sa Pinas hehe.. Sa picture pala, hindi naman nakikitang ang mga halaman na to eh nakatanim sa mabato at tuyong lupa na kundi pa uulan eh hindi madidiligan. ( taray!) Pero nakakachallenge lang kung paanong ang pangit ay nagiging maganda kahit sa litrato man lang. Feeling photographer nman ako? hehe Dapat cguro eh magpasalamat ako sa aking sweetheart sa gift nia last bday.. Thanks sweetpeach!

6 Aug 2009

Insomnia – Craig David ( Video Entry )

Had to post this MTV kasi i really like it. I know medyo late na yata ako sa mga new music ngayon but it just reminds me of Boracay. (Lol) Meron pa rin hang over. Actually, hubby danced on this music while we are drinking at Bamboo Inn o ano na nga yun. nakalimutan ko na ang name but they play really nice music. And hubby’s friend had to pay 100 pesos sa DJ on deck para sia ang makapagmix ng kanta kasi nga medyo kumagat na ang mga alak na nainom nila. Heres the video that im pretty sure na magugustuhan nio rin..

31 Jul 2009

Dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, Patay na!

cory-aquino

Nagulat ako habang ako eh nanonood ng TFC ng mabalitaan kong si Ginang Cory Aquino ay patay na. Siya po ay namatay sa ganap na alas 3:18 ng umaga dahil sa Cardio Respiratory Arrest.

 

March 2008 ng malaman ng sambayanang Pilipino na siya ay nagkaroon ng colon cancer. Nag-undergo sia ng operasyon para maalis ang nasabing cancer at ito ay naging successful nman. Ngunit nagulat ang lahat ng noong June 22, taong kasalukuyan ay isugod muli sa Hospital ang dating Pangulo. Hanggang sa mangyari nga ang kinatatakutan ng lahat ng pamilya partikular na ang bunsong anak na si Kris Aquino.

 

Isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa kasaysayan ng Pilipinas ang dating Pangulong Cory Aquino. Ika-labing isang Pangulo at kauna-unahang babaeng naging Pangulo sa buong Asya. Sino ba ang hindi makakalimot sa People Power – Edsa Revolution? malamang halos lahat tayo ay alam ang patungkol dito. Pero nakakalungkot isipin na ang orihinal na Ina ng bansa ay pumanaw na.

 

Para sa Pamilya ni Ginang Cory Aquino, ako ay lubos na nakikiramay. Sana’y mahanap mo ang tunay na kapayapaan kasama ng Poong Maykapal. Mananatili kang ala-ala sa kasaysayan ng Pilipinas.

25 Jul 2009

Welcome Back

After more than a month of not blogging, I’m back again .. Kelan pa nga ba ako huling nagpost dito? Hindi ko na rin matandaan.

 

Anyway, matapos ang mejo mahaba-habang bakasyon ko sa Pinas, balik UK na nman ako. Nun ko tuloy napagkukumpara ang ambience ng Pinas at UK. Ano nga ba ang gugustuhin ko ? Sa Pinas sobrang init na kahit umuulan ng malakas para ka pa ring nasa loob ng pugon. Pero kahit napakainit ( at hindi nman lahat ng masang pilipino kaya maka-afford ng pambayad sa aircon) ang paligid ay masaya pa rin.

 

Hindi ko  nga makalimutan si Habibi nung kami ay nasa Pinas. Lahat ata ng sweat glands nia ay aktibo dahil walang puknat ang pagpapawis. At kung dito hindi mo mapaligo ng araw-araw, sa Pinas hindi mo na kelangang kulitin dahil 3 times maligo ang lolo mo sa sobrang init. Kung bago kami dumating ng Pinas ang bukambibig nia eh

 

“ Theres no way I can walk around Boracay with no shirt on..”

 

Kinain nia yang sinabi nia dahil buong araw halos nakahubad at panay ang tampisaw sa dagat. At dahil sa kagustuhang umitim, hindi lang sunburn ang inabot kundi parang natapunan ng kumukulong tubig sa tindi ng sunog sa katawan. Sa totoo lang, Yun ang pinaka-highlight ng aming bakasyon.

 

Heto ang ilan sa mga pictures from Boracay:

 

Day 1 – Arrival / Eating and Drinking Session

DSC_0473 DSC_0520

DSC_0557 DSC_0547

 

Day 2 – Pictorial/Kulitan with Family and Friends and some Massage by the beach lol

DSC_0020 DSC_0029 DSC_0022

DSC_0170  DSC_0214

 

Day 3 – Its my Birthday! Dolphin/Banana Boat Ride ( Too bad I didn't manage to take a picture of my cake :(

DSC_0326 DSC_0384

DSC_0540 DSC_0426

DSC_0635 DSC_0714

Day 4 – Island Hopping/Snorkeling/Picnic and Swimming with the whole berks and family

DSC_0026 DSC_0028 DSC_0077 DSC_0079

 DSC_0165 DSC_0174

DSC_0207 DSC_0228

Day 5 – is my rest day coz im not to well .. but my family manage to visit Station 1 and took some picture with the Sand Castle.

DSC_0468 DSC_0552

Day 6 – Parasailing/ Helmet Diving ( The highlight of the Boracay Getaway)

DSC_0614 DSC_0637

DSC_0645 DSC_0676

OLYMPUS DIGITAL CAMERA         OLYMPUS DIGITAL CAMERA           

DSC_0851 DSC_0847

Day 6 – Tequilla Night with my Friend Mich from Italy. One of the best lasingan nights in Boracay. Imaging those pulutan in front of us. Isaw and lechon manok from andoks .. harhar

DSC_0007 DSC_0004

 

Day 7 – Uwian na . But we all missed each other after those 7 days of bonding. Gumising nga ng maaga si Habibi on our last day kasi nga he wants to say goodby to Bora Beach. He really enjoyed his stay. Maybe next time, mag-stay kami ng 2 weeks kasi hindi pa raw sapat ang 7 days eh naghirap na nga kami hehe.. Tips for those who are planning to go to Bora, never ever eat on restaurants kasi super mahal.. Tiyaga na lang kau sa Andoks or wendy’s or better yet sa gma turo-turo sa palengke para makatipid. Then spend every penny para matry nio ang lahat ng sea adventures.

 

Nakakamiss talaga ang Pinas lalo na pag nakikita ko ang mga pictures na kagaya nito. Kahit mejo nasagad ang ipon eh ayos lang. No one can replace the enjoyment we had in Boracay. Hopefully makabalik kami next time ng mas matagal..

2 Jun 2009

Lihim

Matapos nga ang ilang linggong pagpaplano namin sa aming pag-uwi at pagdeklara na gawing lihim ang aming pagdating sa bandang huli ay maibubunyag din pala. Ang totoo niyan ay wala pa talaga ako sa Pinas at kung bakit hindi ako makapagpost ay sa kadahilanang ang pag-uwi pala nmin ay hindi nangangahulugang kami ay magsasaya na nga. Heto nga at sumasakit ang bungo ko kung paano mapagkakasya ang budget sa pasalubong. Daig pa ang mamamalengke sa tutuban sa dami ng mga bilin ng malaman ang aming pag-uwi. Tingin ko ang alam nila eh pinupulot ko ang salapi dito. Teka bakit nga ba ganun hano? pag alam nila na naka-abroad ang isang tao iisipin ng iba mayaman at kumikita ng pounds or dollar. Pero ang totoo niyan, sa taas ng cost of living kung saan kaming mga overseas pinoy at pinay ay naroroon ay ganun din kataas at kamahal. Yun nga lang ang kaibahan, dito sa UK kung saan ako ay naroroon, kahit papaano hindi mapolusyon. Walang basura sa gilid ng daan. Walang mga batang-yagit na nangangalabit sau para humingi na mamera. At walang tricycle na halos sunugin ang baga mo sa kapal ng usok. Minsan pag naikukumpara ko, mas secure talaga ako dito. Ihiwalay na natin ang financial matter dahil sa bagay na yan ako ay tagtuyot hehehe.. Pero dito kasi wala nman akyat bahay. Ang mga kapitbahay ko nman ay sadyang mababait kahit na tulig na tulig sila sa aking pagkanta paminsan minsan. Hindi nga lang kainaman ang panahon lalo na pag taglamig pero at least hindi ko mararanasan dito yung meron ibang taong nakakapasok sa loob ng bahay mo ng di mo nalalaman. Katunayan nga niyan, 4 days and 3 nights akong mag-isa dito nung nakaraang May 23. Kasi nga si Habibi ay  napunta sa London at dahil kami nga ay uuwi, minabuti ko na lang magpaiwan. Aba, nun ko ulit naranasan makahinga ng maluwag at walang iniisip na ipaghahanda ng pagkain.

 

 

Neway, mabalik tayo sa lihim. Eto ngang lihim na trip namin to Pinas ay hindi na nakaya pang ilihim. Dahil nnga sa mga pagkakataon na madalas kami ay nadudulas at isama mo na rin yung excitement na nararamdaman namin ayy tinawagan na nga nitong si Habibi si Inay. At hayun, ang lihim pala talaga ay hindi nananatiling lihim. Naisip ko nga rin na mainam na rin na sabihin ang aming pagdating kesa nman sa dumating kaming waang mag-asikaso sa amin. Di ba? lahat kasi ng kapatid ko ay mga bulugan. kaya nman hindi ko inaasahan na maghahanda nga sila sa aming pagdating. Alam ko dahil nung minsang ako eh me sakit at hindi makabangon, ni hindi ako inalagaan ng aking kapatid hehehe.. Iniisip niya siguro na ako ay nag-iinarte pero ang totoo daig ko ang nagpaikot ikot ng sampung beses sa roller coaster sa hilo na nararamdaman ko. Yun nga at ng pagdating ko sa hospital, 90-60 na pala ang blood pressure ko. Toink! Mahihilo nga pala talaga hehehe..

 

 

15 days to go at nasa Pinas na nga kami. hindi ko pa alam kung san kami gagala sa loob ng 4 weeks pero yung 7 days siguradong alam ko na. hehe

 

 

Pero para sa ibang nasa ibang bansa at gustong magsiuwi, lalo na at first time niyong uuwi ng Pinas, ngayon pa lang ay mag-ipon na kau. wag nio akong gayahin na nagpabigla-bigla at ngayon ay namomoroblema sa ipapasalubong. Para sa kaalaman ng lahat, hindi pala madali ang umuwi hehe. Siguro matatagalan ulit ang aming pagbalik pagkatapos neto. O sia.. Magandang pagbati sa lahat ng nakibasa.. Salamat sa lahat na nagpabalik-balik para bassahin ang blog ko na walang update ni isa.. ngayon pa lang hekhekhek…

21 May 2009

Point of View on Katrina Halili and Hayden Kho Scandal

bakla-ako-belo-med-hayden-kho-katrina-halili-naked Makikitsismis na rin ako tungkol sa isyu na to. Aba halos buong balita eh puro ito ang topic. Pati ang senado nagimbal sa Scandal na to. Eh teka nga ano ba kasi ang nangyari? Ang sabi daw kasi eh itong si Hayden Co eh dapat tanggalan ng lisensiya dahil sa ginawa niyang pambababoy kay Katrina Halili at sa dalawang iba pang nakasama sa kumakalat na video sa internet. At dahil nga ako eh tsismosa ring numero uno, eh hayan nagsearch tuloy ako. YUng Careless Whisper na nagsasayaw sila nakita ko pero ung iba pa eh hindi na. Actually dun sa nagsasayaw ok pa eh. Eh bakit nga ganun sin nman sila pumose sa mga Men’s magazine di ba? naka Two Piece? Or pag nagpa-fashion show sila ng mga Bench or kung ano ano pa. Pero yung ibang malalaswa eh hindi ko nakita. Bagkus mga extended version ang nakita ko. Gaya ng funny videos na ginawang comedy ang panggagaya sa pagsasayaw ng dalawa. Eto pa pati si Mr. bean nakisayaw din. Ang hindi ko kinaya eh yung Aso. Tama sex scandal ng aso ang pinost ng mga hinayupak. hehe Sabi sa comment dun sa video eh sinumpa daw ni Doktora Vicky Belo si Hayden at si Katrina kaya naging aso. Pambihira oo! Sumakit tuloy ang panga ko sa kakatawa hehe..

 

Anyways, honestly, mali talaga ang pagpapakalat ng video na to lalo na sa mga pirata pa. tsk tsk tsk.. tuloy parehas silang nasira ang pangalan. I mean hindi natin pwedeng isisi ang  lahat sa iisang tao lang. Parehas silang merong pagkakamali sa isyu na ito. Pero sa sitwasyon na patagong kinunan ng video ang anumang maselang bagay na ginagawa ng magkasintahan o ng mag-asawa o ng mag-anupaman eh sadyang nakakadegrade ng pagkatao partikular sa mga babae. Bakit nga ba hano? kahit na dalawa silang gumawa ng bagay na yun ang mas kahiya-hiya ay ang babae? Sana nga ay maipasa na ang batas patungkol sa mga ganitong kaso para maprotektahan natin ang mga kababaihan. Kung bakit kasi hindi mapigil ang mga invention hano? tuloy kahit ganggakulangot na camera pwede ka maglagay sa katawan ng hindi man lamang napapansin. Tsk Tsk Tsk.. Hay naku sana ang mga kalalakihan naman ay matutong rumespeto sa ating mga kababaihan. Hindi ko sinasabing lahat pero sana lang ang bawat lalaki eh meron katangiang ganun. Goodluck na lang sa kaso ni Katrina. Sana ay hindi na maulit pa ang gma ganitong pangyayari. Alam kong marami ng iba rin ang nasira ang buhay mula ng lumabas ang mga cellphone na meron de-camera pero ano ang magagawa mo kung biglang sinaniban ng demonyo ang partner mo? Kaya paalala sa aking mga kabaro, konting ingat at huwag masyadong magtiwala.

Binyag ni Tomas – Weekend Happenings!

nana and thomas2-horz

There you go! Presenting Thomas David.. Welcome to the Christian World. Siya nga at walang iba ang anak ng pinsan ni habibi na bininyagan last weekend. Ang cute niya noh? Grabe itong bata na to. Kahit san ipasa ng mommy nia hindi talaga umiiyak. Prang yung pamangkin ni Jamie. Gusto ko na tuloy isipin na lahan ng baby dito eh matahimik. hehe Kumpara kasi sa mga pamangkin ko eh puro sampu at kaputol na iyakin.. Toink! Kaya ang mga mommy nila eh halos hindi makatulog sa gabi. O ni hindi man lang makalibot ng matagal sa ibang bahay kasi nga eh nag-aalburoto ang mga tsikiting. O eh bago ko makalimutan, yung babae sa kaliwa ay lola ni jamie. We call her Nanna. ( Sagwa sa tagalog yan hehe kaya wag mo i-translate) Ang ibig sabihin nun eh grandmother or sa madali’t sabi, Lola. Yung nasa Kanan nman ay ang aking Mother in law. O di ba? terno ternong blue and suot nia. pati tights ma-mlu-mlu. hehe. Kuha ito sa isang posh pub na ang president ay dili’t iba kundi ang uncle ni habibi.

 

Saturday evening kami nag-travel papuntang Wirral England. Maganda ang panahon at ang araw ay halos parang alas nuwebe ng umaga sa pinas. Pagdating namin, sumabak agad kami sa panonood ng Eurovision Singing Contest 2009 kung saan lahat kami ay naging hurado sa lahat ng contestant ng buong Europa. Big deal kasi itong contest na to lalo na sa kapatid ni Jamie na walang pinalalampas na episode nito. so, gamit ang papel at ballpen, nakilista na rin ako ng gma bansang kalahok at ngbigay ng puntos sa mga contestant na tingin ko eh merong may pinakamagandang kanta. At Bingo! Ang nagaustuhan ko nga eh ang bansang Finland. Pero ang siste, hindi pala sa ganda ng melodiya, composition at catchy na tunog binabase ang mananalo kundi sa boto ng iba’t ibang bansang kalahok. Ano ba yan! balewala pala ang aking pagbigay ng puntos hano dahil Political voting din pala nauwi ang labanan. Kung saan nagkakaroon ng kampihan ang magkakapitbahay na bansa para magkaroon ng mataas na puntos. Ayan tuloy, natalo kami sa aming mga pusta sa betting hehe.. hamo na nga!

 

Kinabukasan, kahit wala akong ganong tulog eh gumising ako ng maaga para makagayak ako ng bongga. hehe tulad ng naplano ko, kelangan kulot ako sa araw nang binyag. Yun nga lang hindi ko nasunod ang aking planong get-up dahil nga ang lahat pala ay  nakasuot ng dress. buti na lang nagbaon ako ng dress. heto o :

 

100_3477-horz

 

Yan ha.. Nagpapicture pa ako hanggang sa tabi ng bin.Sabi ko nga hindi dapat ito ang suot ko pero ang lahat eh nakadress kaya sabi ni habibi ito na lang daw ang suutin ko. Ayoko namang maiba na nman ako. Itong summer dress ko eh pinatungan ko na lang ng blazer. hayan ok naman di ba? kahit maulan eh talagan kineri ko suotin yan. feeling ko nga eh sasayaw ako ng folk dance hehe. pero ang siste eh ako lang nakamahaba. hang iikli ng mga suot nila at labas ang mga puklo hehe. alam nio na siguro ang ibig kong sabihin.

 

100_3482-horz

 

Heto nman ang mga couples of the day. From left, Rachel and John, Habibi and Me, Katie and John. Mahilig sila sa John. Psst Tabi jan hehe!

 

n627303855_1767107_7654601

 

Siyempre pa kaninan portion. Eto ang Moroney Clan. Meron cgurong 50 visitors sa pub na to kung saan ang lahat halos ay umiinom ng beer. ( tagay Pare!) Ako siyempre hindi ako uminom no. Ganda ng suot ko eh tapos iinom ng beer hehehe.. pang dalagang pilipina ang get up ko no. Kaya kelangan mahinhin. Naks!

 

Tingin ko nga pagkatapos ng kainan eh naempatso ako. Puro kasi ham, beef, salad at mga pastang matatamis. Ano ba yung sauce na nakain ko sa ham ung mustard. Halos hindi ako makilala ni Habibi ng matikman ko. (Pweh!) ang hirap nman nag inosente hehe.. dami ko pa nman kinuhang mustard tapos ikinalat ko pa sa ham. ang lasa pala eh hindi mo matanto sa anghang. Naku ha, never again! Pero I like the prawn, dipped in mayonaise.

 

cheeky

us

 

Tapos nagkulitan ulit sa picture .. ayan ang ebidensiya.. ! Tinanong ko si Habibi kung ano ang gamw na to kasi tingin ko eh naglalaro sila ng shotput. haha yun bang metal na bilog na palayuan ng bato. Pero napaisip ako, bakti ang daming bola. Parang billiard nman ang naisip ko kasi meron silang tinitirang kulay dilaw na bola. Ipinaliwanag sa akin ni Habibi, eto pala ang version nila ng bowling. Grandslam daw si nanna dito. Kung paano laruin eh inihahagis lang ang bola at kung sino ang may mas pinakamalapit na pato sa bolang dilaw sia ang winner. Hmm interesting di ba?

 

100_3493-horz

 

Kasama ko si Habibi na nanonood ng larong ito sa labas ng pub. Kasi kelangan nia mag-smoke. Dumating ang Auntie ni Habibi at ang MIL and FIL ko. Tuloy nakilanghap na rin ako ng mga smoke nila ..Pinagitnaan ba nman ako eh di wala akong choice. Hehehe Pambihira no? Khit hindi ako nagsmoke parang naka-apat na stick din ako ng yosi. Pagtapos kong mag-store ng maraming nikotin sa katawan eh lumarga na kami pauwi.

 

Ang totoo niyan, dapat kinabukasan pa kami uuwi subalit datapwat dahil ang aming pusa ay ibinilin namin kay aling bingi eh mejo minalas ng konti. dahil ang susi na binigay namin ay sukat ginamitan ng pliers, naputol lang nman at naiwan sa aming key hole ang kaputol . Ang kawawang pusa, na dyeta ng hapunan, agahan at tanghalian habang kami ay namumutaktak sa kakakain sa binyagan hehe. Ang problema nman kasi, masyado na yatang mahina si aling bingi at ginamitan pa ng pliers ang aming pintuan. hay naku! Di bale buti na lang umuwi kami. Pagdating namin, kumpleto pa kami sa gadgets kung papaano mabubuksan ang pinto. Para lang malaman sa bandang huli na wala nman pala ang kaputol sa butas . Hay naku ha ang gulo! Naiimbyerna tuloy ako . Sabagay ayos na rin, at least nakapasok kami ng bahay ng walang kaproble-problema maliban sa nagkalat na pagkain ng pusa sa sahig dahil isinulot ni aling bingi sa aming letter box ang mga cat food. Yaiks! Ang sangsang tuloy sa living room :(

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin